Saturday, October 13, 2007

Ethan's Baptism

video

Pumunta kami sa binyag ni Ethan (Ang aming pinsan na anak nina Uncle Boboy at Auntie Rhon). Masaya dun! Laro ng laro si Kuya Lilo hanggang sa napagod ito at nakatulog. Wala pa ako noon kasi magkasama kami ni Mommy na pumunta ng Ilawod. Si Kuya Lilo ay kasama ni daddy sa Revo. Magulo daw si Kuya habang nag dadrive si Daddy. Nakita nga daw ni Auntie Dayeen na kalong kalong na ni Daddy si kuya nung malapit nang dumating sa Ilawod. heheheh! Madaming nakain si Lilo doon. Nakikipag agawan pa sa plato ni Ate Bebe ng pagkain eh meron naman syang sariling plato.

Nung dumating ako pinag aagawan ako ng mga tao. Parang artista kaming mga anak mo Mama! Kinalong ako ng matagal ni Auntie Mayda hanggang sa makatulog na din ako. Nilatag ako ni Auntie Dayeen sa kwarto ni Aunti Ann katabi si kuya na tulog din. Naunang nagising si kuya at sumunod naman ako. Laro ulit si kuya pagkagising. Pagkatapos nun unuwi na kami. Hay napagod ang maganda kong mukha! =) Eto sa ngayon karga na ulit ako ni Ate Shie (Ang magaling kong yaya).
~ Liit

0 comments: